Saturday, May 10, 2008

mahal parin kita


At kung mayron na akong ibang mahal,

iisipin mong mahal parin kita;

kahit na ako`y mahal na ng iba ay aasa kang di ko kayang gawin ang limutin ka`t hindi na mahalin.

Kahit na ako`y di mo ngayon pansin

balang araw ay iibigin mo narin

kapag ako`y mahal na ng iba

baka ako`y hindi mo na hahamakin pa.

At kung mayroon na akong

ibang mahal aasahan mong mahal parin kita,

kung kailan akoy may bago ng mahal saka mo lang

sadyang maintindihan na ang pag-ibig ay hindi laruan lang.

At aasa kang mahal parin kita

kahit na akoy mahal na ng iba

pagkat noon pa may nababatid mo na lihim sa puso

koy iniibig na kita.


No comments: